Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
USAPANG PULITIKA - Romblon Sun
Home » Blog » USAPANG PULITIKA

USAPANG PULITIKA

Nitong nakalipas na araw ay nagdeklara si Vice Mayor Diven Dimaala na tatakbo siya sa pagka meyor ng bayan ng Odiongan.

Siya pa lang ang kauna-unahang pulitiko na nagpahayag na tatakbo sa pagka alkalde. Pormal nitong inanunsyo sa lokal na media ang kanyang opisyal na pagdeklara para sa nasabing posisyon.

Sa kasalukuyan ay wala pang iba na nagpahayag ng pormal ng kanilang plano para sa darating na halalan 2025. Kung mayroon man ay naririnig lang ito sa mga haka-haka diyan sa kanto at hindi sa personal na deklarasyon mula mismo sa mga nais tumakbo.

Malapit lapit na rin ang pagsumite ng kandidatura na mangyayari sa buwan ng Oktubre. Alam natin na marami ang may interes na pumalaot sa masalimoot na mundo ng pulitika lalo na yung talagang mula sa angkan ng mga pulitiko. Yung mga anak, apo at kamag-anak ng mga naunang mga naging opisyal na nagsilbi sa bayan. Kaya ang mga tumatakbo sa iba’t-ibang posisyon sa gobyerno ay halos mga pamilyar na pangalan. At diyan nakalalamang ang may mga kilala nang apelyido. Mga namana na pangalan mula sa kanilang mga ninuno na dati nang nagserbisyo sa bayan.

Pero sa isang banda, hindi naman monopolyo  ng mga kilalang angkan ng pulitiko ang paghalal sa kanila ng taong bayan. May mga baguhan naman na nakasuwerti na nakapasok sa posisyon dahil sila ay pinagkatiwalaan ng taongbayan tulad lamang ni dating Vice President Leni Robredo.

Inaabangan pa natin kung sino-sino pa ang magdesisyon ng maaga at pormal na magdeklara ng kanilang binabalak na tatakbuhan sa darating na halalan. Sa wari ko ay parang nagpapakiramdaman muna itong mga sinasabi na tatakbo sa minimithi nilang posisyon. Wala pang may nais na magpahiwatig. Sabi nila, naghihintay pa ng basbas mula sa kanilang padrino? Importante daw kasi pag may basbas para maliban sa panggasolina ay may pabaon pa.

Ganyan na kasi ang kalakaran ng halalan dito sa ating probinsya at halos naman siguro sa buong bansa? Nag-iba na ang estilo ng pagpili ng kandidato. Dumadaan na ito sa “money contest”. Ito na ang daw ang bagong kultura ng eleksyon dito sa ating minamahal na bayang tinubuan. Kawawang Pilipinas.

Alam ko na sabik na rin kayong makilala ng maaga ang mga kandidato na tatakbo sa kanilang napili na posisyon hindi lamang dito sa bayan ng Odiongan kung maging sa iba’t-ibang bayan ng ating lalawigan ng Romblon.

At malamang binabantayan nyo rin kung sino-sino ang mga indibidwal na magbabanggaan sa pagka kongresman, gobernador, bise gobernador at mga sangguniang panlalawigan.

Sabagay may mga lumilitaw na pangalan na diyan. Nandyan na ang mga incumbent at hinihintay na lang yung kanilang mga makakalaban.

Maituturing na pinanabikan na malaking “derby” itong halalan. Ang mga Pinoy ay excited pag pulitika ang pinag-uusapan. Ayaw pahuhuli sa mga balitang kaganapan ng pulitika. Gusto updated lagi sa mga bagong pahayag ng mga pulitiko.

Wala na yatang makakatalo sa mga Pilipino sa pagiging mga MARITES?

Anong masasabi ninyo mga kababayan? Mahilig ka rin ba sa pulitika o isa rin kayo sa may balak tumakbo sa darating na botohan sa susunod na taon.

 

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment