Top Most Wanted Person Ng Bayan Ng Looc, Romblon, Arestado
LOOC, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang top 1 most wanted person sa bayan ng Looc, Romblon, nitong 3:30 ng hapon, Enero 22, 2024 sa Sitio Camandag, Looc, Romblon.
Kinilala ang hinuli na si Valentin Recto Romano, 29 anyos, binata, delivery boy at nakatira sa Barangay Camandag, Looc, Romblon.
Si Romano ay inaresto ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Enero 4, 2024 ni Honorable Judge Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon, sa kasong Criminal Case No. OD-3359 at Criminal Case No. OD-3360 sa paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997) as amended by RA 11648.
Walang rekomendang piyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang dinakip na lalaki ay dinala sa Looc MPS para sa dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (RSun Staff)