Magsasaka sa Calatrava, Romblon na may kasong trespassing, dinakip
CALATRAVA, Romblon – Hinuli ang isang magsasaka na may mandamyento de aresto dakong 5:12 ng hapon ng Enero 22, 2024 sa Barangay Talisay, Calatrava, Romblon.
Ang inaresto ng mga pulis ay si Haide Falcunit Falcutila, 27 taong gulang, walang asawa, magsasaka, at residente ng Barangay Talisay, Calatrava, Romblon.
Si Falcutila ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng Calatrava Municipal Police Station (lead unit), San Andres Municipal Police Station at Romblon Provincial Mobile Force Company (RPMFC) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu nitong Enero 17, 2024 ni Honorable Judge Donna Lee S. Dunuan-Gobway, Acting Presiding Judge, First Municipal Circuit Trial Court, San Andres-Calatrava, San Andres, Romblon sa kasong Qualified Trespass to Dwelling na naka docket sa ilalim ng Criminal Case No. C-2679 at may rekomendang piyansa na halagang P36,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang dinakip na lalaki ay dinala sa Calatrava MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (Rsun Staff)