Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
UNTI-UNTING GUMAGAPANG ANG KAMANDAG NG AFRICAN SWINE FEVER SA LALAWIGAN NG ROMBLON - Romblon Sun
Home » Blog » UNTI-UNTING GUMAGAPANG ANG KAMANDAG NG AFRICAN SWINE FEVER SA LALAWIGAN NG ROMBLON

UNTI-UNTING GUMAGAPANG ANG KAMANDAG NG AFRICAN SWINE FEVER SA LALAWIGAN NG ROMBLON

Ni JUN  FIEDACAN

Apat na bayan na dito sa lalawigan ng Romblon ang kumpirmadong may kaso na ng African Swine Fever. (ASF) Halos lahat ng apektadong mga bayan ay may mga access na sasakyang dagat papunta ng Lucena City, Masbate, Ilo-ilo, Roxas City, Aklan at mga bayan ng Kalibo at Malay kasama na ang pantalan ng Caticlan. Ang mga bayang ito ay kontaminado ng ASF ang mga baboy sa kanilang lugar. Kaya kung hindi maingat ang mga tao sa pagtawid ng mga karneng baboy ay may tsansa na makahawa sa Romblon na dating ASF free Romblon.

Maraming nagpapaalala na huwag masyadong isensationalize daw itong kaso ng ASF sa Romblon at baka magpanic ang mga tao. Eh, anong gagawin naming mga taga media kung hindi namin ito ibabalita? Magsasawalangkibo na lang ba kami at esisikreto na lang ba namin? Ayon sa resulta ng mga pagsusuri at mga laboratory testing ng Bureau of Animal Industry, Veterinary Laboratory Division sa mga kinuhang blood samples sa mga bayan ng Romblon, ang San Fernando at Cajidiocan sa Sibuyan Island ang nakitaan na may positibo sa virus na ASF. Ganoon din ang bayan ng Alcantara at Sta Fe.

Bagaman at nasa frontline ang mga personnel ng Romblon Provincial Veterinary Office at ang Department of Agriculture, Bureau of Animal Industry ay hindi karaka-raka ay mapipigilan ang paglaganap ng nasabing sakit hanggang walang ginagawang mas matibay na plano at  aksyon ang pamahalaan. Ayon sa protocol on the prevention and control of ASF, depopulation on the 500 meters radius around the vicinity of the ASF should be done. Anong ibig sabihin nito? Dapat doon sa nasasakupan ng 500 metro galing doon sa hayop na naging positibo sa ASF ay patayin ang lahat ng baboy at ilibing. Para walang baboy na mahahawahan ng virus at titigil ang contamination. Pero papayag ba ang mga tao o yong mga may -ari ng baboy na wala namang sakit ang kanilang alaga ay kukunin at papatayin at ililibing?

Dapat ang depopulation ay may kaakibat na compensation sa mga may ari ng baboy. Kailangang ang gobyerno ay may ibibigay na kompensasyon doon sa may ari kahit puhunan lamang ng baboy ay maibalik para hindi maghinayang at magalit yong mag aalaga. At dito papasok yong Resolution ng Sangguniang Panlalawigan o Executive Order ng Governador na magdeklara ng State of Calamity para magamit yong calalamity funds ng mga bayan para sa pagbibigay ng kompensasyon sa may mga babuyan.

Kapag ang isang lugar ay napasok na ng virus ng ASF ay mahirap nang kontrolin ang pagkalat nito dahil ayon sa mga resulta ng mga pananaliksisk, ang serum na may ASF ay tumatagal ng 18 buwan sa room temperature, kung ito ay naka freezer ay tumatagal ng 6 taon at yong dugo kung natapon mula sa infected animal ay isang buwang tatagal sa lupa. Para mapatay ang virus sa isang karne na kontaminado ng ASF ay kailangang lutuin sa temperaturang 158 degrees centigrade sa loob ng 30 minuto.

Kapag nahawa naman sa sakit na ASF ang isang baboy, magtatagal ito ng 5-15 araw bago magpakita ang mga sintomas ng pagsusuka, pagtatae, pamumula o pangangasul ng balat, minumuta ang mga mata, nahihirapang huminga, nag aagas ng kanyang mga biik pag buntis, panghihina na hindi makatayo at walang ganang kumain. Mataas din ang kanyang lagnat. 100% ang  mortality ng mga kaso ng sakit na ASF sa mga baboy at wala pang gamot ang natutuklasan para  sa sakit na ito.

Kaya yong pag-iingat pa rin ang pinakaepektibong paraan at paglalagay ng mga biosecurity measures sa mga babuyan. Ayon sa panayam ng mga taga media sa butihing Mayor Lisette Arboleda ng bayan ng Looc, sila ay nag install ng mga biosecurity measures sa kanilang pantalan sa Malbog Pier. Naglagay sila ng holding pen para doon ipunin ang mga baboy bago ikarga ng mga barge papuntang Caticlan at nag lagay na rin sila ng mga checkpoints sa mga hangganan ng bayan para walang makapapasok na buhay na baboy sa loob ng Looc galing ibang bayan.

Ang Odiongan din, sa pamumuno ng butihing Mayor Trina Firmalo -Fabic ay naglagay na ng mga checkpoints sa mga municipal boarders, sa Malilico  to Looc, Anahao to Ferrol, Panique  to San Andres at  Sitio Asyenda, Progreso Este to Looc. Dapat lalong higpitan din ang mga tumatawid na pasahero, trucking at barko galing Caticlan, Rozas Oriental Mindoro at Batangas. Dapat lalong maging istrikto at mapagmatyag ang ating mga tao sa Provincial Veterinarian, Municipal Agriculture, mga kapulisan at mismong mga mamamayan at sama-sama nating sugpuin ang ASF.

 

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment