Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Deped-Romblon magpapatupad ng Academic Health Break - Romblon Sun
Home » Blog » Deped-Romblon magpapatupad ng Academic Health Break

Deped-Romblon magpapatupad ng Academic Health Break

Magpapatupad ng halos dalawang linggong academic health break ang Department of Education sa Romblon simula kahapon, Enero 19, bilang tugon sa patuloy na pagtaas na kaso ng Covid-19 sa lalawigan.

Sa nasabing academic health break ay suspendido ang pagkakaroon ng pasok ng lahat ng teaching personnel maging ang mga online classes ng mga estudyante sa Elementarya at Sekondarya.

Suspendido rin ang distribution at retrieval ng modules sa nasabing mga araw.

Ayon sa DepEd Romblon, maaring ipagpalipaban muna hanggang sa susunod na mga linggo ang pagpasa ng mga class requirements.

Samantala, ang suspension ng klase sa mga pribadong paaralan ay nakadepende parin sa kanilang pagpapasya.

Magtatagal ang nasabing academic health break hanggang Enero 28. (PJF/PIA Mimaropa)

 

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment