Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Halos P10M na tulong sa mga estudyante sa Romblon, naipamahagi na ng DSWD - Romblon Sun
Home » Blog » Halos P10M na tulong sa mga estudyante sa Romblon, naipamahagi na ng DSWD

Halos P10M na tulong sa mga estudyante sa Romblon, naipamahagi na ng DSWD

Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng educational cash assistance sa mga estudyante sa lalawigan ng Romblon.

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng educational cash assistance sa mga estudyante sa lalawigan ng Romblon.

Sa ika-apat na Sabado ng kanilang pamamahagi noong Setyembre 10, inulat ng DSWD-Romblon na aabot na sa P9,851,000.00 ang kanilang nailabas na pondo para sa mga estudyanteng humingi ng cash assistance sa kanilang ahensya.

Ang mga bayan na napuntahan na ng DSWD para mamahagi ng cash assistance ay ang mga bayan ng Odiongan, Ferrol, Looc, San Andres, San Agustin, Calatrava, Romblon, San Jose, Alcantara, Sta. Fe, at Sta. Maria.

Noong huling Sabado, Setyembre 10, may 1,043 na mga estudyante ang kanilang nabigyan ng cash assistance sa bayan ng Alcantara, Sta. Fe, at Sta. Maria.

Sa bilang na ito 393 ang mga nag-aaral sa elementarya, 266 sa junior high school, 148 sa senior high school at 247 sa kolehiyo at vocational schools.

Ang nasabing assistance ay bahagi ng Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) na matagal ng programa ng DSWD.

Inaasahang matatapos ang pamamahagi ng educational assistance ng DSWD sa darating na September 24. (PJF/PIA MIMAROPA)

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment