Skip to content
-
Subscribe to our newsletter & never miss our best posts. Subscribe Now!
  • https://www.facebook.com/
  • https://twitter.com/
  • https://t.me/
  • https://www.instagram.com/
  • https://youtube.com/
Romblon Sun Romblon Sun

Pahayagang Makabayan

Romblon Sun Romblon Sun

Pahayagang Makabayan

  • Home
  • News
  • Politics
  • Opinion
  • Sports
  • Romblon Sun TV

Latest Posts

  • Baril at bala nakuha sa isang bahay, SB Member at kasamang lalaki, arestado
  • Senior Citizen sa Looc, Romblon, na hit and run, paa naputol
  • Lalaki timbog sa buy-bust operation kontra ilegal na droga sa San Andres, Romblon
  • Lalaking nakainom nadulas at nahulog sa ilog, patay
  • Barangay Tanod pinagsusuntok ng nakaalitan, patay
  • Lalaki sinaksak ng nakasuntukan sa San Agustin, Romblon
  • Laborer na wanted sa kasong rape, timbog sa Cajidiocan, Romblon
  • Lalaki timbog sa buy-bust operation ng ilegal na droga sa Odiongan, Romblon
  • Senior citizen naputulan ng paa sa aksidente sa motorsiklo sa Odiongan, Romblon
  • Security Guard arestado sa kasong Rape
  • Home
  • News
  • Politics
  • Opinion
  • Sports
  • Romblon Sun TV
Subscribe
Close

Search

Local NewsNews

Sa bisa ng Search Warrant, baril at bala nakuha sa isang bahay sa Odiongan, Romblon

By Romblon Sun Staff
January 20, 2024 1 Min Read
0

ODIONGAN, Romblon – Arestado ang isang lalaking drayber matapos makarekober ng baril at mga bala ng halughugin ang kanyang bahay sa bisa ng Search Warrant na isinagawa kahapon ng 5:00 ng umaga ng Enero 19, 2024 sa Barangay Amatong, Odiongan, Romblon.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Larry Familara y Suñer, 47 anyos, may kinakasama, drayber, at residente ng Barangay Amatong, Odiongan, Romblon.

Ayon sa Odiongan Municipal Police Station (OMPS) isang pinagsanib na operation na OPLAN PAGLALANSAG OMEGA (Implementation of Search Warrant ) ang isinagawa ng mga operatiba ng CIDG Romblon PFU na pinangunahan ni PMAJ Dick A. Cale, Provincial Chief (lead unit), kasama ang PIU Romblon tracker team at Odiongan MPS para iimplementa ang Search Warrant No. 38-24 na inisyu noong Enero 16, 2024 ni Hon. Donna Borda Pascual, Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 81, Romblon, Romblon, sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) sa bahay ng suspek.

Nakumpiska sa tirahan ng suspek ang isang kalibre .22 revolver na walang serial number at brand, dalawang piraso ng bala para sa .22 na revolver at apat na pirasong bala para sa kalibre .38 na rebolber.

Ang pagsagawa ng search warrant, pagkumpiska at pagmarka sa naturang mga ibendensya ay sinaksihan  nina Barangay Kagawad Bee Fodulla Tolentino at Brgy Tanod John Agrabio Prudente ng Barangay Amatong, Odiongan, Romblon.

Ang inarestong suspek at ang nakumpiskang mga ibedensya ay dinala sa opisina ng CIDG Romblon PFU para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (TMM)

 

Author

Romblon Sun Staff

Follow Me
Other Articles
Previous

Motorista na may dalawang angkas, nasagi sa pag-overtake sa tricycle, tumimbuwang

Next

Dayami ng palay huwag sunugin, dagdag na abono sa mga pananim, maging sa kalabaw at baka ito ay pagkain 

No Comment! Be the first one.

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

[youtube-feed]

Latest Edition

Categories

  • Agrikultura at Teknolohiya
  • Columns
  • Education
  • Elmina Fallar
  • Featured
  • Food
  • Health
  • History
  • Lifestyle
  • Local News
  • National News
  • News
  • Opinion
  • Politics
  • Press Releases
  • Regional News
  • Science & Technology
  • Serbisyo Publiko
  • Sinag ng Katotohanan
  • Sports
  • The Better Option
  • Todo Pina
  • Travel
  • Travel & Tour
  • Uncategorized

Recent Posts

  • Baril at bala nakuha sa isang bahay, SB Member at kasamang lalaki, arestado
  • Senior Citizen sa Looc, Romblon, na hit and run, paa naputol
  • Lalaki timbog sa buy-bust operation kontra ilegal na droga sa San Andres, Romblon
  • Lalaking nakainom nadulas at nahulog sa ilog, patay
Copyright 2026 — Romblon Sun. All rights reserved. Blogsy WordPress Theme