Ni TONY MIÑANO MACALISANG
Nakikiisa tayo pagsigaw ng hustisya para sa kapatid natin sa hanapbuhay na si Juan Jumalon, isang Radio Broadcaster na taga Calamba, Misamis Occidental na walang awang binaril.
Ang gunman ay pumasok sa bahay ni Jumalon at pinagbabaril ang biktima habang nag-eere sa kanyang sariling FM radio station sa loob mismo ng kanilang tahanan.
Ayon kay Senator Revilla, mariin niyang kinondena ang brutal na pagpaslang sa biktimang si Jumalon.
Aniya, “anumang karahasan sa mga mamamahayag ay karahasan laban sa ating demokrasya. This in no uncertain terms is an affront to our free press.”
Katulad ni Senator Revilla, suportado rin ni Senator Grace Poe ang pagsagawa ng mabilis na imbestigasyon para sa ikalulutas ng nasabing kaso. Kanilang hinahamon ang kapulisan na panagutin ang sinuman na nasa likod ng pamamaslang sa Radio Broadcaster na si Jumalon.
Nakababahala na ganitong pamamaril sa hanay ng aming mga kasamahan sa media. Walang puwang ang ganitong gawain sa isang sibilisadong comunidad. Masamang balita ito para sa taga media.
-o0o-
Nakaranas na naman ng hindi kanais-nais ang ating mga sundalo sa West Philippines Sea mula sa mga barko ng China kung saan ay binomba na naman ng mga singkit ang ating mga kawal na naghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal.
Mistulang binabraso nitong ang tsikwa ang ating mga kawal at dinadaan sa laki at lakas na kanilang hinaharas, tinatakot at ayaw padaanin papunta sa nasabing barko na ginawang outpost ng ating mga sundalo sa naturang lugar. Ngunit palaban naman ang mga miyembro ng ating Navy at Coast Guard at hindi nila ito basta-basta matatakot sa ganoong estilo. Alam naman ng mga ito na sila ay suporta ng buong sambayanang Pilipino.
At nanduon sila para protektahan ang ating exclusive economic zone kung saan ay nanalo tayo sa Permanent Court of Arbitration at dineklara na ang naturang lugar ay sakop ng Pilipinas. Pero itong mga singkit ay patuloy pa rin sa kanilang panggugulo sa WPS na napakalayo naman sa Mainland China. Target talaga ng mga singkit ang yaman na matatagpuan sa nasabing lugar. Masagana kasi dito ang mga isda at iba pang katulad. At may malaki rin na deposito ng langis sa ilalim ng karagatan. Kaya naglalaway ang mga dayuhan dito dahil sa tagong yaman na kanilang makukuha dito.
-o0o-
Magandang balita itong paglaan ng badyet sa taong 2024 para maayos at madagdagan ang pasilidad sa Pag-asa island. Ito yung pinakamalaking isla ng munisipyo ng Kalayaan sa bahaging iyon na nagsilbing frontline ng ating sandatahang lakas.
Pinahaba at pinalaparan ang airport ng isla at pinatayuan rin ng daungan para pagtaguan rin ng mga mangingisda pag inabot ng sama ng panahon.
Malaki na ang pinagbago ng naturang isla pero malayo pa rin ito kung ikumpara sa mga ginawa ng China sa Spratly na tinambakan ng lupa ang bahura at pinatayuan ng mga gusali at ginawang kampo.
Sana nga mapaayos ng mabuti ang ating nasasakupang teritoryo para na rin proteksyon laban sa pangangamkam ng China.







Add Comment