Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Lalaki timbog sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga sa Odiongan, Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Lalaki timbog sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

Lalaki timbog sa buy-bust operation laban sa ilegal na droga sa Odiongan, Romblon

ODIONGAN, Romblon – Arestado ang isang lalaki matapos mabilhan ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng kapulisan kaninang pasado alas onse ng umaga, Hunyo 18, sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.

Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang suspek na si alyas “Boy”, 42 taong gulang, at residente ng Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.

Sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), isang pinagsanib na operasyon ang isinagawa ng Odiongan MPS-MDEU, (lead unit), katuwang ang PDEA Romblon, Romblon PMFC at Romblon PIU sa koordinasyon ng PDEA-MIMAROPA na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.

Isang tauhan ng pulisya na umaktong poseur-buyer ang nakabili umano sa suspek ng isang heat- sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu” kapalit ang halagang P500 na mark money ng mga awtoridad.

Nakuha rin sa posisyon ng suspek ang tatlo (3) pang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga, at pera na ginamit sa buy-bust.

Ang pag imbentaryo, pagkuha ng litrato at ibedensya ay isinagawa sa harap ng suspek na sinaksihan ng representante mula sa tanggapan ng piskalya at kinatawan mula sa media.

Ang nasabing suspek ay dinala sa Odiongan MPS at isinailalim sa kustodiya ng nasabing himpilan.

Mahaharap sa kasong paglabag ang suspek sa Section 5 and 11 of Article II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa ng Odiongan MPS sa pamamagitan ng inquest proceeding sa Provincial Prosecutor’s Office, Odiongan, Romblon. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment