Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Simulation para sa limited F2F classes, nagsimula na sa Romblon - Romblon Sun
Home » Blog » Simulation para sa limited F2F classes, nagsimula na sa Romblon

Simulation para sa limited F2F classes, nagsimula na sa Romblon

Nagsagawa na noong Enero 6 ng simulation para sa limited Face to Face (F2F) classes ang mga guro at estudyante ng Anahao Elementary School sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Layunin ng orientation at simulation na ito na turuan ang mga estudyante,maging ang mga guro, kung ano ang health protocol na ipatutupad sa paaralan kung sakaling bumalik na ang limited F2F classes.

Bagama’t wala pang saktong schedule kung kelan magsisimula ang limited F2F, sinabi ng pamunuan ng paaralan na matagal na nila itong pinaghahandaan lalo pa ngayong mababa na ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bayan.

Nakiisa sa nasabing simulation ang mga mga magulang, mga barangay officials ng Brgy. Anahao at mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) na siyang aalalay sa mga estudyante.

May ginawa na ring simulation activity sa iba pang paaralan sa probinsya. (PJF/PIA Mimaropa)

 

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment