LINEMAN NG TIELCO NAKURYENTE, PATAY
SAN AGUSTIN, Romblon – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lineman ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) matapos itong aksidenteng mahawakan ang isang live wire habang nag-aayos ng linya ng power line sa itaas ng poste kaninang 2:45 ng hapon, Nobyembre 14, 2025 sa Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon.
Kinilala ang biktima na si alyas “Carlo”, 40 taong gulang, may-asawa, line man at residente ng Barangay Libertad, Odiongan, Romblon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS), ang biktima ay nag-aayos umano ng linya ng koryente sa itaas ng poste ng TIELCO ng aksidenteng nitong mahawakan ang isang live wire.
Agad na isinagawa ang rescue operation at ibinaba ang biktima mula sa itaas ng poste at dinala sa Tablas Island District Hospital ngunit, dineklara itong dead on arrivalĀ ng sumuri na doktor. (RSun News)