Magsasaka na wanted, tiklo
LOOC, Romblon – Inaresto ng kapulisan ang isang lalaki na may mandamyento de aresto nitong 4:30 ng hapon ng Setyembre 25, 2023, sa Barangay Balatucan, Looc, Romblon.
Ang hinuling lalaki ay nakilala na si Henry Gaa Salmingo, 38 taong gulang, may kinakasama, magsasaka at residente ng Barangay Balatucan, Looc, Romblon.
Si Salmingo ay dinakip ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station (LMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Setyembre 25, 2023 ni Honorable Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon dahil sa kasong Lascivious Conduct Penalized under section 5(b) in Relation to RA 7610 as amended by RA 11648.
Ang Korte ang may rekomendang piyansa na halagang P200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Isinailalim sa kustodiya ng Looc MPS ang nasabing lalaki para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)