Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Mga sakay ng nasiraang bangka sa gitna ng dagat, nailigtas ng PCG - Romblon Sun
Home » Blog » Mga sakay ng nasiraang bangka sa gitna ng dagat, nailigtas ng PCG

Mga sakay ng nasiraang bangka sa gitna ng dagat, nailigtas ng PCG

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda na sa nasiraan sa dagat na bahagi ng Romblon at Masbate nitong Nobyemre 6.

Kinilala ng PCG ang dalawang mangingisda na sina Jovy Dilao, 43 at Junrey Capinig, 20.

Sa ulat ng PCG, ang dalawa ay galing ng Pugawan, San Andres, Quezon at nasiraan ng makina habang sila ay patungo sa San Pascual, Burias Island, Masbate.

Nailigtas sila sa dagat ng PCG at Bantay Dagat na nagsagawa ng search and rescue (SAR) operations matapos humingi ng tulong ang dalawa.

Dinala ang dalawa sa Cajidiocan, Romblon at sinuri ang kanilang kalusugan.

Ipinaayos na ng PCG ang nasirang makina ng kanilang bangka upang makabiyahe na patungong Masbate ang dalawa. (PJF/PIA Mimaropa)

 

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment