Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
58k halaga ng mga hindi sertipikadong paninda, pinagsisira - Romblon Sun
Home » Blog » 58k halaga ng mga hindi sertipikadong paninda, pinagsisira

58k halaga ng mga hindi sertipikadong paninda, pinagsisira

ODIONGAN, Romblon (PIA) — inagsisira ng Department of Trade and Industry (DTI) – Romblon ang ilang hindi sertipikadong mga paninda sa probinsya ngayong Biyernes, Oktubre 29.

Ayon kay Ms. Gina Maaño, Senior Trade and Industry Specialist ng DTI-Romblon, 33 mga unbranded na monoblock chairs, at may 20 unbranded na tying wires ang kanilang sinira.

Aabot sa P58,150 ang kabuoang halaga ng mga ito.

Sinabi ni Maaño na ang mga hindi sertipikadong mga paninda na ito ay nakumpiska ng kanilang team sa ilang tindahan sa probinsya ng Romblon matapos walang maipakitang sertipiko ang mga may may-ari nito.

Ang kakulangan o kawalan ng sertipikasyon ng mga nasabing kagamitan ay nangangahulugan na hindi dumaan ang mga ito sa quality control at inspection ng DTI. Maari itong ikapahamak ng mga consumers na bibili at gagamit nito.

Ito rin ay malinaw na paglabag sa Department Administrative Order No. 2 series of 2007 o ang Violations of the Consumer Act of the Philippines and Other Trade and Industry Laws. (PJF/PIA Mimaropa)

About the author

Philippine Information Agency

Add Comment

Click here to post a comment