Deprecated: The called constructor method for WP_Widget class in EV_Widget_Entry_Views is deprecated since version 4.3.0! Use __construct() instead. in /home/romblons/public_html/wp-includes/functions.php on line 6131
Parcel na may laman na "marijuana" naharang ng PDEA, empleyado ng gobyerno sa Romblon arestado - Romblon Sun
Home » Blog » Parcel na may laman na “marijuana” naharang ng PDEA, empleyado ng gobyerno sa Romblon arestado

Parcel na may laman na “marijuana” naharang ng PDEA, empleyado ng gobyerno sa Romblon arestado

ROMBLON, Romblon – Arestado ang lalaking empleyado ng pamahalaang panlalawigan matapos maharang ang parcel na may laman na pinagbabawal na iligal na droga sa isinagawang Mail and Parcel Interdiction operation ng PDEA sa Barangay 1, Romblon, Romblon dakong hapon ng Hulyo 5, 2025.

Ang suspek ay kinilala na si alyas “Bryan” 47 taong gulang, may kinakasama, High Value Target, empleyado ng pamahalaang panlalawigan,  at residente ng Poblacion 3, Romblon, Romblon.

Sa ulat ng Romblon Municipal Police Station (RMPS), matapos makatanggap ng beripikadong impormasyon, isang pinagsanib na Mail and Parcel Interdiction operation ang ikinasa sa pangunguna ng PDEA Romblon Provincial Office katuwang ang Romblon Municipal Police Station, Romblon PDEU at Philippine Coast Guard Romblon Station sa isang courier service sa Barangay Poblacion 1, Romblon, Romblon na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.

Nakumpiska ng mga operatiba sa posisyon ng suspek ang parsela na may laman na pinatuyong dahon na pinaghihinalaang marijuana.

Tinatayang may timbang na humigit kumulang sa 40 grams ang nasabat na pinatuyong dahon ng pinaghihinalaang marijuana na nagkahahalaga ng humigit kumulang sa P12,000.00.

Ang dinakip na suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 of Article II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa ng Romblon MPS sa Provincial Prosecutor’s Office, Romblon, Romblon. (RSun Staff)

About the author

Romblon Sun Staff

Add Comment

Click here to post a comment