Top 1 Most Wanted Person ng bayan ng Romblon, Romblon, tiklo
ROMBLON, Romblon – Dinakip ng pulisya ang isang lalaki na may mandamyento de aresto nitong hapon ng Mayo 2, sa Sitio Maria Christina, Barangay Sawang, Romblon, Romblon.
Ang inarestong lalaki ay nakilala na si Rico Mercurio Maestro, 20, binata, laborer at residente ng Sitio Hupoy, Barangay Sawang, Romblon, Romblon.
Si Maestro ay hinuli ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Abril 29, 2024 ni Hon. Judge Donna Borda Pascual, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 81, Romblon, Romblon, sa kasong Homicide na naka docket sa ilalim ng Criminal Case No. 4181-24.
Ang Korte ay may rekomendang piyansa na halagang P120,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang inarestong lalaki ay isinailalim sa kustodiya ng Romblon MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (RSun Staff)