Furniture shop sa Odiongan, Romblon, nasunog
ODIONGAN, Romblon – Nilamon ng apoy ang isang furniture shop dakong 11:00 ng umaga ng Marso 30, 2024 sa Sitio Centro, Barangay Rizal, Odiongan, Romblon.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, ang naturang furniture shop ay pag-aari ni Alvin Fallaria Tibio, 33 taong gulang, may-asawa, negosyante at residente ng Barangay Rizal, Odiongan, Romblon.
Kasama umano ng nagresponding tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Odiongan MPS ang mga concerned citizen na tulong-tulong sa pag-apula ng apoy sa nasusunog na furniture shop.
Bahagya ring natunaw ang harapan ng 14-wheeler truck at 10-wheeler truck na naka parada sa harapan ng shop dahil sa init ng apoy.
Dineklarang “fire-out” ang sunog dakong 11:30 ng umaga ng araw na iyon.
Wala namang naiulat na may nasaktan sa nasabing sunog.
Base sa inisyal na pagsusuri hindi pa batid ang halaga ng napinsala ng nasabing sunog.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng BFP -Odiongan ang sanhi ng apoy. (TMM)